Linggo, Nobyembre 19, 2017

Lakbay Sanaysay

DUNSULAN FALLS



 May 20, 2016 naisipin namin na umalis at magala dahil malapit nanaman umuwi ng Singapore si daddy. Sabi ni daddy magdala kami ng damit pero makulit kami ng kapatid ko kaya di kami nagdala. Kaya pala kami pinagdadala dahil pupunta kami sa isang falls at sa Dunsulan Falls nga. Matatagpuan ito sa Pilar, Bataan sa likod. Maaari ding magzip line mula Mt.Samat (Damabana ng Kagitingan) papuntang Dunsulan Falls.  Pero di na namin trinay kasi ayaw ni lola.



Maganda ang view at pwede kang magpicture picture kahit san. May entrance fee na 50 pesos per head pero sulit naman dahil sa ganda ng view.  Mawawala ang pagod mo pag nakita mo ang view sa lugar na ito. 


Hindi ko malilimutan ang pagpunta namin dito dahil ito pa lang ang first time na makapunta ako na kasama si Annalei. Sayang lang at di kami nakapaligo dahil wala kaming dalang damit. Sanay maulit uli ang pagpunta namin sa lugar na to at kung magyayari man yun sana kasama na si ate yhana.